Feelings change, memories don’t.
Ang hirap no? Nakakainis. Kung ano pa yung mga bagay na ayaw mong kalimutan, tulad ng password mo sa Facebook, yung lugar kung saan mo nilagay ang wallet at cellphone mo, yung appointment mo sa dentista, yun pa yung napakadaling kalimutan, tapos kung ano pa yung bagay na halos magmakaawa ka sa Diyos para kalimutan, like memories mo tungkol “sa kanya”, yun pa ang parang nakasulat ng permanent marker sa puso mo. Napapamura ka na sa sakit, pero hindi talaga pwede. T*** ***!!
Sounds unfair? Parang mali ang pagkakabilog ng mundo? Hinde.
Ikaw din kasi ang nagdulot sayo nun.
Yung susi ng bahay mo, yung cellphone mo, kaya mo lang naman nakakalimutan yun is coz madaling i-take for granted yung mga bagay na yun (ewan ko lang dun sa susi ng bahay mo) kaya ayun, wala namang ka-value value yun kumpara sa isang taong nagpatibok ng puso mo at minsang naging sentro ng buhay mo. Kaya wag ka magtaka kung bakit di mo makalimutan ang masasakit nyong alaala, dahil ikaw naman ang nagbigay-halaga sa mga memories na yun. Kahit minsan, sige sabihin nating pwede mo siyang sisihin, hindi parin, dahil choice nating mahalin sya. Pero teka, wag ka muna magmaktol at sabihing nagsisisi ka. WAG MO PAGSISIHAN ang inyong mga alaala, dahil bawat sakit at bawat pighati na naranasan mo in love, is just another stone you’ll step on towards that one person who will make all the pain worth it ♥
eros.01
inspired by karltoj.